News and Events

Kristel Moreno: “Minsan, kahit may talent ka, e, kailangan talaga ng right connection-yung tamang tao na makakapansin sa iyo at makakatulong.”

June 12, 2012

Katatapos lang ng kontrata ni Kristel Moreno sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, this year na tumagal din ang tatlong taon.

Matagal-tagal na rin sa industriya ang sexy star, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nailulunsad sa isang malaking proyekto.

Nakausap kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristel over dinner sa isang resto sa SM North Edsa at isa-isa niyang sinagot ang mga katanungan namin.

Una na rito ang hindi pagbibigay ng malaking break sa kanya ng pinanggalingan niyang istasyon.

Sagot ng dalaga, "Siguro, ano lang po, right connection

"Alam n'yo naman sa showbiz, minsan kahit may talent ka, e, kailangan talaga ng right connection-yung tamang tao na makakapansin sa iyo at makakatulong."

RIGHT CONNNECTION. Hindi ba naging maganda ang pagha-handle sa kanya ng Star Magic ng tatlong taon at hindi niya ba ito itinuturing ito na "right connection"?

"Hmm... in fairness naman sa kanila, happy naman ako kasi hindi naman ako nabakante.

“Kasi una ko sa kanila is Betty La Fea, 'tapos Imortal, Good Vibes, Precious Hearts Romance... at marami pang guestings na naibigay sa akin

"'Tsaka ako naman, importante sa akin na may trabaho.”

CAREER MOVE. Isa sa mga proyektong medyo humamon sa kakayahan ni Kristel bilang artista ay ang pagkakasali niya sa programa ni Cristine Reyes na Kristine, kung saan medyo nagbilad siya ng kanyang kaseksihan.

Career move ba niya itong matatawag o sadyang kinailangan niya lang itong gawin para magkatrabaho?

Saad ni Kristel, "Maganda kasi yung story. Una, inalok siya sa 'kin at sinabi nga na may konting sexy.

“At alam mo na kapag Precious Hearts Romance at talagang may pagka-sexy talaga ang theme niya.

“Siyempre sa akin naman, hindi naman ako pabata na at papunta na ako sa ibang level.

Read more